The Wheel and Axle

I May As Well Have A Platform.

by on Oct.26, 2015, under My Life, Snark, Society

Share Button

Originally published on my Facebook account last 13 October 2015.

Mga kababayan,

Kasalukuyan po akong naghahanap ng running mate para maging Bise Presidente ko. Sya ang makakaakibat ko upang isulong ang adbokasya ko ukol sa China, kung saan papalakasin natin ang diplomatic ties sa Saturn at Jupiter para makatulong sa ating Hukbong Sandatahan. Gagawa kami ng VAA (Visiting Aliens Agreement).

Titiyakin din naming si Darth Vader ang hahawak sa DILG habang si Queen Femina Suarestellar Baroux ang bahala sa bagong kawanihang tatawagin nating Department of Tourism, Warfare, and TOEFL. Iluluklok namin si Spock bilang MMDA chairman para maresolbahan ang trapik sa Maynila sa pamamagitan ng advanced Vulcan scientific theories.

Gagawa rin kami ng listahan ng magagaling na mamamayan para patakbuhin para sa Senado. Sisiguraduhin ng mga senador ko na maaamyendahan ang Anti-Discrimination Bill upang isama ang mga Durlan, Khund, Kree, at Skrull sa listahan ng oppressed minorities. Pero kebs sa mga refugee mula sa Tamaran, orange ang skin nila, hello! Eww! #AlienLivesMatter

Sino sa inyo ang sasama para sa pagbabagong babalot sa sansinukob? Panahon na! Allan… Carry-On, Pilipinas! Allan, Allan, Pangulong Pangkalawakan!

Muling papaliparin ang Quezon Memorial,

Allan Carreon
Ang Tunay Na Intergalactic Earth Ambassador (accept no substitutes)

#CarryOnCarreon2016
#PangulongPangkalawakan
#LipulinAngBoazania
#MagPabebeWaveTayoSaAlphaCentauri
#BeyondMilkyWay

And just in case you’re slower than a tranquilized bantha, have a look here.

A vote for me is a vote for freedom from Mumm-ra and Hordak.

Share Button

Leave a Reply

*

Visitors

Since June 2016